Archive for the ‘Definitely Filipino / Kuro-Kuro Submissions’ Category

Please share this, as this may save you and your friends’ phone, money in the wallet, and even your lives when riding public utility vehicles.

 

====================================================

Nakaranas na ako ng eksena sa jeep na may biniktimang ale. Yung sindikatong tinatawag na “Dura Gang”, dito sa Mandaluyong, mga ilang taon na. Pero ngayon, ako na yung muntik na mabiktima. Buti na lang alam ko na kung paano sila mag-operate. I can only speculate and make theories kung kasabwat ba yung mismong kunduktor at driver ng jeep, pero salamat na lang at hindi nila natuloy yung pagdukot sa gamit ko.

ANG MODUS :

Holy Tuesday,  3pm – Pasakay ako pauwi galing opisina, nag-abang ako sa may Rosario footbridge, sa may Jollibee, ng jeep na byaheng JRU galing Antipolo. Pag sakay ko, hindi ko inakala na ako mismo ang pupuntiryahin ng mga hinayupak na bogus na ‘yon.

Pag sakay ko, nasa kanang bahagi ako ng jeep, mga dalawang pasahero pa yung naka-upo, pangatlo ako galing sa estribo. Mga sampuan yung isang side ng jeep, pero mga kasya pang magsakay ng anim katao nung nakasakay na ko.

Pag akyat ng jeep ng tulay galing Rosario, may mga apat hanggang limang mga lalake yung sumakay, mga malalaki, pwedeng maging gwardya ang mga tikas ng mga mokong. Yung unang lalake, kunwari nadapa nung sumakay, nawala sa balanse, tapos yung pangalawa at pangatlo, isiniksik yung sarili nila sa pagitan namin ng katabi kong office girl – napangiti pa nga si ate kasi akala nya pilyo lang talaga yung mga sumakay. Hanggang sa may sumakay pang dalawa sa kabilang upuan (pagsakay nila, napansin ko agad na may eye contact yung mga kakasakay pa lang). At heto na.  Kinutuban na ‘ko.

Yung huling sumakay, nakatapat sakin, sabay sabing “Pare may dura ka sa balikat oh, tingnan mo, galing dun sa bumabang babae!” Pilit nyang tinuturo yung kaliwang balikat ko, para makuha yung atensyon ko. Bilang alam ko na yung ganung MODUS, hindi ko na inalis yung tingin ko sa kanya. Nung nahalata nilang hindi ako natinag, at sinabi ko na “OK lang po”, biglang nagsipag abot ng mga bayad yung mga bagong sakay at puros laglag nang laglag yung mga barya na inaabot sa kanila papunta sa akin para iabot sa kunduktor.

Tinuro  pa sakin nung isa yung gumulong daw na piso sa may paanan ko at naapakan ko daw. Tapos yung lalaking kumuha ng atensyon ko sa “dura”, pilit nyang sinisiksik ng paa nya yung pwesto ng inaapakan ko, kunwari dinudukwang ng sapatos nya yung pisong naapakan at nasiksik ko daw sa ilalim. Hindi pa rin ako natinag, kasi alam ko na nga na titira ng pandurukot yung mga damuho, kunwari naki-galaw na lang ako ng paa. Tapos may nag-abot sa akin ng PISO, sabay sabi, “AYAN PARE, IABOT MO SA KUNDUKTOR, AYAW MO YUKUIN EH.” Sa lahat naman ng mga pasahero eh sila lang yung mga gumagawa ng ganung sobrang reaksyon, patay malisya naman yung iba, kaya mapagdududahan mo talaga.

Napansin ko na yung katabi kong manong na nakisiksik, may dalang satchel, na tama lang para ipantakip sa kamay nya na kayang dumukot sa celphone ko na nakasuksok sa pantalon, kanang bulsa sa harap. Buti na lang naupuan nya yung cord ng earphones ko, kaya naayos ko kunwari yung sarili ko habang hinihila ko yung cord. ANAK NAMPUCHA, NARAMDAMAN KO TALAGA NA DUMUDUKOT YUNG KAMAY NG MOKONG, PERO DI NA AKO PUMALAG DAHIL ALAM KO PAGTATANGKAAN AKO PAG GUMAWA AKO NG EKSENA.

Nasa bandang kanto kami ng Ortigas Extension at Vale Verde, mga isang kanto pa bago mag Medical City. Mabuti na lang at medyo matrapik, kaya nagdesisyon akong bumaba at pumara sa jeep, pinagbigyan naman ako ng kundoktor (siguro wala na syang choice eh). Naramdaman kong mabigat yung bulsa ko nung aktong papatayo na ko para bumaba, yun pala, halos madadakma na nga yung bulsa ko para abutin yung telepono. So, pinagpag ko na lang kunwari yung bulsa at yung mismong satchel na dala-dala ko rin para makatayo.

Buti na lang at may FX akong nasakyan, kaya naka alis agad ako ng kalsada. Pero habang nag-aabang ako, todo yung dasal ko na sana wag sumunod yung lima, dahil nasa bakanteng bangketa ako na walang nag aabang na pasahero, at mag isa lang ako. Inisip ko na baka akbayan na lang nila akong lima, at hindi mangingiming  pagbantaan ako ng holdap, o saktan ako, kahit tirik na tirik ng araw eh walang biglang sasaklolo sakin.

Salamat na lang at maayos akong nakauwi, at mai-share ko sa inyo ang MODUS ng  “Dura/Laglag Barya Gang”.

— PAYONG KAIBIGAN:

Kahit anong alerto mo, kahit anong isip mo na hindi ka tatamaan ng malas, dadating at dadating pa rin yung ganong pagkakataon sayo, at kailangan lagi mong ALAM kung ano ang aabangan sa ganong sitwasyon.

Tibay lang ng loob, yung hindi ka matataranta kahit anong agaw ng atensyon ang gawin sayo, saka yung Pananalig mo sa Diyos na sana ay hindi ka matuluyan ng kamalasan ang nagtawid sakin pauwi nang matiwasay kanina.

 

 

***KARAGDAGAN: 

Kinabukasan, pagka-kwento ko sa mga ka-opisina ko sa nangyari sa akin, nagulat ako sa lahat ng mga sinabi nila. Lumalabas na talagang talamak ang ganong pambibiktima sa lugar na iyon. Ang mas ikinagulat ko pa ay nang sinabi nila sa aking maswerte daw ako at walang nakuha sa akin. Sa limang nagkomento, apat sa kanila ang nagbahagi ng karanasan din nila. Ang isa ay nalaslasan ng bag, at nabiktimang nadukot din ang celphone ng boyfriend nya. Ang isa naman ay nawalan din ng telepono sa bulsa. Yung mga sumunod pa ay wala ring pinagkaiba sa mga kwento ng nauna.

I will start my article with this,

Christopher Lao’s example of Cyberbullying:

That guy who was alleged to have HIV has proven himself to be negative from it. HE SHOWED PROOF through the medical test results. So the netizens let him live his life, and the society would look at him like a clean individual that he already is. And the netizen I believe would be wise enough to not put him in the spotlight any longer. Case closed. He is clean.

THE ONE WHO SHOULD be put to blame here is the source of that viral post. And doing such act is something that all of us netizens should avoid.

CHRISTOPHER LAO was “cyberbullied” because he was so arrogant, that he blamed the MMDA people of his stupidity, saying no one informed him that it was a deep section of the road that he was trying to traverse.

Unlike the “HIV” guy, he wasn’t absolved. HE did not show any proof that he was NOT STUPID. So in the eyes of the social media masses, he is still a stupid driver, to say the least. 🙂

Kidding aside, the case with Ms. AMALAYER is pretty much similar. We kid, we bully – because that is what we are. Hell, we even share hate posts against PNOY just for the heck of it. And why is that? Simply because a lot of people see him as someone who’s not doing his job properly. If there is such word like “street justice”, then that’s just what these netizens do. They try the accused based on how they see the case.

What I think what happened to Ms. Amalayer, is something a social bully like her also deserves. I am hearing a lot of noise about the attitude of the guards in LRT stations have (bear with me on this, because I really haven’t experienced riding in MRT or LRT, and get hassled by them).

I can’t help but think of whether Ms. Amalayer should be given the right to say abusive and humiliating words to that lady guard (whom I believe is only doing her job – and she really was good in composing herself), and be given justification that what Ms. Amalayer did to her should be tolerated.

Now, should the society tolerate such act? I personally don’t think so.

Given the benefit of the doubt to Ms. Amalayer, and let us just say that she was really given a hard time by the lady guard on that day – if you were a person not lesser than Ms. Amalayer, the best thing that you could have done is shut up, and ask any of their superior, or the LRT Station manager, and air out your concern. Well, you’ve been hassled anyway, why not take it up a notch and give them back the hassle the right way?

And don’t we people know the words “patience” and “courtesy”, especially when we are in a public place, let alone in a train station like that of the LRT and MRT? I am not sure about the facts behind the scene in the vid, but I have never been hassled by any guard from any MRT or LRT station. Some are saying that Ms. Amalayer was already running late, and she tried to bypass the xray inspection, that’s why she got stopped by the lady guard. What could’ve triggered her to go berserk over the lady guard? I bet she got embarrassed, that’s why she tried to “bring back the favor”. And that, I believe is just not the right thing to do.

It’s not the guards’ fault that that particular LRT station gets crammed up by people during rush hour. And I believe that it really is quite impossible for a lady guard to just pick up a random person in the queue, and give her a hard time for no reason. Ms. Amalayer brought this to herself.

Instead of people like Mr. Lao, and Ms. Amalayer trying to convince the netizens, that they were mere victims of cyberbullying, they should just admit their mistakes – that they were rude, and they were caught red handed while doing some rude act. And we haven’t even mentioned Carabuena in the story. Well, in fairness to him, he did a public apology, and he personally apologized to that MMDA enforcer. He wasn’t forgiven, but he still admitted his mistake.

_______________________________________________________________________________________________________

A certain Adi Bontuyan posted this on his Facebook:

CYBERBULLIES NEEDS TO KNOW THEIR LIMITATIONS
QUESTION: DO YOU AGREE WITH HIM?
____________________________________

posted by Adi Bontuyan:

“To my friends and the beloved public, please read this.This #AMALAYER bullshit is being blown out of proportion. Reading the comments/tweets/insults makes me more sick that the video itself. We can do better than this.Is the Filipino social media identity a short-tempered angry mob rather than a pool of informed citizens? Are we supposed to expect to see shit like this every now and then? Wh
at’s next: TV show na may Suntukan segment against Claudine Barreto? I bet everyone would want that.

The video is simply a mirror to our (westernized) society (disregard the fact that I saw four BIG ASS Bench billboards of four Korean men/boys (idk) in EDSA-Guadalupe tanginang yan)

Think about it these few points.

1. She’s rude. SO-FUCKING-WHAT?!
Oh no! May bad manners siya. BIG DEAL.

She’s rude and annoying and dumb enough to do it in front of a camera. She’s just having a bad day like we all normally do. She doesn’t deserve all the cyberbullying and death threats. You simply don’t know how it feels.

I’m rude. You are rude. Filipino drivers ARE rude. People who violently push and curse their way inside the train are rude. Taxi drivers who pick their passengers are rude. Your governor is rude. Those who murdered of the FOI bill are fucking rude. The MMDA who just asked for a bribe is rude. Society who cyberbullied the fuck out of a law student who was “not informed” of the flood is rude as well as those who bombarded a bully of a Sotto critic with death threats.

Rude has become a norm for Filipinos. We have accepted it. Then suddenly, thanks to a video, we act as if we are all saints.

Condemning someone who can’t say “I’m a liar?” IS RUDE AND ARROGANT. So what kung kupal siya? Ngayon lang kayo nakakita ng kupal on video? Mas kupal yung mob behavior. Kitang kita ang Filipino humility, courtesy and tolerance sa posts niyo. Nakakatawa.

2. I read a comment “Kayo ang yayabang niyo, kala niyo naman gagaling niyo mag-ingles.” The reply goes “tara english tayo ano?! I’ll destroy you dipshit” (or something like that)

Is English the standard for intellect? Is the English language the barrier of classes?

The answer is this paraphrased comment: “OMG! My driver speaks better English than her! She has no right to boast anything!”

3. “I just hate how she acted like that” (quoted from a comment)
Like what exactly? Like the bratty blond Hollywood personalities that we have celebrated?

We have westernized the shit out of our society; don’t act surprise when we see the result.

4. What if:
Replace the guard with a male guard. Replace the girl with a foreign woman – lets say an attractive blonde woman shouting in her British accent.

Will it be viral? Yes. Who will get the sympathy? The woman was just “harassed by the guard”

But the guard probably wouldn’t even touch her because he/she would be friggin scared of the almighty westerners. All hail the whites!

You may now proceed on buying Lactacyd Intimate White™ and naming all movies in cheesy English phrases.

5. If this is “The Power of Social Media” according to some blogs/articles, then this means we are as trivial as our TV shows. If this is us being a public eye or a watch dog, then we have failed as a society. We try to move forward but we do things that will lag us. Tangina ang babaw kaya. Ganun na ba tayo na-brainwashed ng sensationalized local programming?

TL;DR – – I’D RATHER BE A RUDE, BITCHY, AND ARROGANT PERSON (who sometimes loses his cool in public) THAN A TRIVIAL-MINDED SELF-RIGHTEOUS HYPOCRITE WHO SHAMES, BULLIES AND EXPELS PEOPLE WITH LITTLE BASIS. (heard she got expelled from her school – some comments are DEMANDING her to be expelled – what offense? Why!? IDK probably “Not speaking proper english during a breakdown bringing shame to our humble institution” that’s why)

We are hypocrites and we are rude to our own nation.
#amashamed.”

————————————————————————————————————–

So, should we tolerate stupid people like Mr. Lao and just have their way?  We didn’t even know at first that he was a lawyer.

Should we let pass what Ms. Amalayer did to that lady guard? We didn’t even know at first that she came from an exclusive school.

Should we, just shrug it off when we see incidents of road rage and violence, like what we saw from Mr. Carabuena? We didn’t even know at first whether the MMDA stopped him and charge him with wrong violations.

Should we just let it happen, that people like Raymart and Claudine just hit a  media practitioner like Mon Tulfo, just because they think they outnumber him, and when the Tulfo Brothers hit back on them through the mainstream media, they talk as if they are the once who get victimized by receiving grave threats?

We are not Cyberbullies.

We pride ourselves by being Cyber Vigilantes.

We’ve got our eyes on the bullies of the society.

So don’t cry and act as if you’re the victims. You brought these to yourselves. Live with it.

If you don’t want your social life ruined, then don’t do something stupid in public, because you just don’t know who’s caught in you in a vid.

on Wednesday, 22 June 2011 at 01:47

(Surprisingly, this actually got a lot of likes from the Definitely Filipino page. )

 

Kung saan man patungo ang maisusulat kong ito ay hindi ko alam. Pero gusto lang gumalaw ng mga daliri ko at tumipa nang tumipa nang tumipa. Madalas sa hindi, may paksa. Yung mga tinitipa kong walang paksa ay napupunta sa Facebook wall. Maghihintay ng interesadong magbigay ng comment.

 

Pero hindi ko trip mag sulat sa pader ngayon. Masyadong mahaba ito para isulat. Masarap talaga ang pakiramdam ng mag-type ka sa malambot na keyboard, at sukat na sukat ang dalawang kamay mo sa mga letrang titipahin para makabuo ng mga salita. At nakaka-dalawang talata na ako ngayon.

 

Ano nga ba ang isusulat? Magko-compose ulet ako? Wala naman akong subject sa utak. Kaya nga pinapalipad ko na lang itong mga daliri ko sa keyboard. Hindi ko rin trip gumawa ng mga rhymes. Masyado na daw cheesy sa kalagayan ko ngayon.

 

(Sa parteng ito ay iniisip mo na sa sarili mo kung bakit mo binuksan ang link at binasa ang mga unang talata, dahil wala ka namang napala. Isipin mo na lang na hindi mo sinunod ang nakalagay sa title at naging curious ka lang. Pwede mo nang pindutin ang ‘back’ button dahil sigurado akong hindi ka na magkakainteres na basahin pa yung mga susunod.)

 

Huwag nang itanong kung anong kalagayan man yan. Isang buwan na akong mahigit na nasa state of procrastination. Masarap na hindi. Madalas maraming pagkakataon na gusto mo lang paliparin ang daliri sa keyboard. Tumitig sa facebook na parang ginagawa mo sa TV – papalit-palit ng channels, papalit-palit ng views. Minsan may favorite page, parang sa channel, na sa paglaon ay pagkakasawaan mo pa rin. Meron din namang hinding hindi mo pagsasawaan. At kung anong page man ‘yon ay ako na ang nakaka-alam. Wag madumi ang isip, please! Duh! hehe.

 

Facebook.

Dota.

TV.

Gitara.

Magsulat.

Magbasa.

Manood ng movie.

Kumain.

Matulog.

Mangarap.

 

Dyan lang sa mga salitang ‘yan umiikot ang mundo ko ngayon. Dahil nandito lang ako sa bahay. Tamad akong gumala dahil wala akong kasama. Gusto ko man kaladkarin ang mga paa kong ito, tatamarin agad ako paglabas dahil puros malls lang ang pinaka-malapit mong mapuntahan. Wala kang mahatak na mag-adventure. Pumunta sa Intramuros at sariwain ang kasaysayan. Pumunta sa mga museums na libre, pero hindi low class. Hindi ako ang tipo ng tao na tititig sa paintings na parang may alam. Gusto kong makita yung mga artifacts. Anything pertaining to the history of any significant thing.

 

Gusto ko magtrabaho. Pero tinatamad akong maghanap. Alam ko naman na anytime may mapapasukan ako. Sa ngayon, nagpapakasawa muna sa pakiramdam na walang ginagawa sa buhay. Walang inaalala. Walang patumangga ang pagtambay sa bahay dahil may natitirang pangtustos sa susunod na dalawang buwan. Pagkatapos noon ay iju-jumpstart ko na naman ang sarili sa  pagtatrabaho. Kung saan ay hindi ko alam. Pero alam ko kung saan ako qualified. Pagod lang akong magtrabaho sa BPO, at gusto ko na ang susunod kong papasukan ay ang huli na – yun na ang bubuhay sa akin sa susunod na significant number of years. Hindi ako hopper at lalo nang hindi ko iniisahan ang mga call center companies na pinag-aapply-an ko na kukuha lang ng signing bonus o kaya unang sahod sa training tapos sibat na. Kung tutuusin kasi, madali ang trabaho sa industriyang ‘yan, ‘yon na ang utang na loob mo sa mataas na sahod. NAKAKASUYA nga lang talaga. Talaga lang pihikan ako sa trabaho. Pero parang sinulat ko lang ‘yan para ma-justify ko ang sarili na hindi ako tamad.

 

Pwede ka namang magtamad-tamaran sa buhay. Basta alamin mo lang na wala kang masisirang buhay kung hindi ka pumasok sa trabaho. Wala kang anak na bibilan ng gatas. Walang kuryenteng mapuputol. Walang may sakit na bibilan ng gamot. Walang syotang maghahanap ng regalo at presensya at oras mo. At higit sa lahat, gawin ito ng MINSAN lang. (Credits to my mom, kasi hindi nya hinihingi ang buong sahod ko.)

 

Subukan mo, basta’t siguraduhin mo lang na walang mawawala. Pag-abot mo sa mahigit isang buwan, magkakaroon ka ng enlightenment na ikaw lang ang makaka-intindi. Sa dinami-dami ba naman ng panahon mo sa isang buwang walang ginagawa ay imposibleng wala kang maubong magandang idea sa utak. Katulad nitong ginagawa ko. Magpalipad ng mga daliri sa keyboard. Tipa lang nang tipa. Maraming kantang nabuo nang dahil lang sa ganito. Kung hindi ka marunong maglapat ng musika, at least gumawa ka ng letra. Kung hindi mo alam kung paano magsulat, umpisahan mo sa pagtipa. Gamitin mo kung ano ang mayroon ka. Wag mo lang uubusin at siguraduhin mong may magagamit ka sa mga susunod na araw. Lalo na kapag sawa ka nang tamarin. Gumawa ka ng isang bagay na galing sa wala.

(Sa punto namang ito ay parang inspirational na ang mga letra ko. Kakatapos ko lang manood ng Commencement Address ni Conan O’Brien. At siguro inisip mo, kung umabot ka sa puntong ito ng pagbabasa, ay masasabi mo kahit papano na may saysay naman pala. Sana. Salamat.)

 

Ayan. May pumasok na naman sa utak ko na magandang gawin. Piliin mo sa mga salita sa taas kung ano dyan. Saka ko na to ipagpapatuloy.

http://www.youtube.com/watch?v=ELC_e2QBQMk

 

 

Cybercrime Prevention Act.

EPAL Politicians.

Political Dynasties and hypocrisies.

Poor and pathetic foreign policies being implemented, especially on the disputed islands.

Not to mention the perpetual graft and corruption.

All in one term of an administration whom the majority of us thought would bring us to the brighter side of the Filipino life.

 

THIS HAS GOT TO STOP.

I tried to submit this article to http://www.definitelyfilipino.comm but here is what I got:

Note from the editor: We will no longer publish articles that mainly discusses religion of any kind, atheism, theism, agnosticism, etc. However, they can be discussed as part of an article with a much broader main topic not related to the aforementioned. (Please refer to the rules indicated for submitting articles)

It’s been a while since I last wrote about something that bothered me. The last entry I submitted to Definitely Filipino page was I think the Quirino Grandstand Hostage crisis. That’s like more than a year ago.

In a very unusual and silly way, I have found in me the meaning of the word atheist through the shallow and seemingly stupid words from Emmanuel ‘Red’ Tani, a self proclaimed cyber ‘activist’ favoring free thinking and atheism, in his interivew with Boy Abunda in the show Bottomline.

He was a former Catholic, and started to not believe in the Church after he graduated from DLSU.

I would want to say first, that all the words I wrote here are based on the Bottomline Show’s episode. Whoever Red Tani is, and how I saw him as a person as he answered Boy’s questions in the interview, is all on Bottomline’s. So, you can say that I want you to blame the show, and not me.

Based on what I have learned, atheism is simply not believing in the existence of deities, at least that is what is written in the wiki – basically the non-existence of God. And clearly, Red Tani’s words only revolve around his constant searching for the right idea of God for him. He simply just does not want to believe in the God as what the society has made an image of. He says that he will only belive in that God if he sees the clouds opening up and showing him the heavens, and hears the voice of God calling, and Jesus appearing before him and performs the miracles. He says that he is instead a naturalist, that he is a see-it-to-believe-it type of person. He believes in the Evolution, and not the Biblical creation of life as we know it.  Let’s give him that free thinking, okay. For I also believe in the natural creation, instead of how it was portrayed in the Bible. But Red Tani and I have a lot of differences, thankfully.

He simply is a non-conformist, not an atheist. It is clear that he wants to believe in God, but he just does not believe it at present, since according to him, there is still no evidence yet of God’s existence. I find it pretty stupid. A person can say that he has experienced a miracle, simply by having his life saved when he avoided an accident, or passed the exam that he didn’t study much about. In Red Tani’s case, he simply would not believe all the evidences that are already right in front of him. But if he was shown the evidence as what he pictures in his mind, I assume that based on his words, he would change his thoughts about not believing in God in a heartbeat. I wonder how he was able to come up with his ideas – he has not mentioned any notable names in the community of the philosophers, not that I know much of them. He simply wants to voice out his ideas about religion as he understands it. Nothing more. And that’s what’s dangerous. Just because an idea has gone out in public and is spread virally through the cyber world, or in your little circle of society, means that idea is correct and should be followed.

I say, he just seeks for attention, and he got the attention that he is looking for. And that drive is being fueled because he is getting noticed by people who has heard or known about his crusade.

He believes that the people needs to be secular. The people needs to keep away from being fundamentalists, that they tend to believe and live by the exact words coming from the Bible. He believes that the Church should really be separated from the State. I agree in some of his points, in the sense that we need to find in ourselves the truth about our existence, and nothing, even what the interpretations of the words in the Bible are, can dictate us and tell us what and what not to do. But then again, I do not share his thoughts about believing only in what he wants to until he sees the contrary. And we all know that for centuries, humanity has struggled in separating these two faculties of society – the church and the state. And I would like to rest my mind away from that in this entry.

I have my own dislikes about my Church which I need not to disclose here. I am agnostic. I was born a Catholic, by the way. I, however, am not a devout Catholic. I accept the fact that my Church has its flaws, so as the other sects out there. But it does not make me turn my back on it for the Church is where I channel my faith in my God, and not just the God of the Church. For me, it is not a crime to use the Church that way. I always tell myself that doing what is good is good enough. I am not a religious fanatic. I even praise Dong Abay in his song whenever I see people praying like hypocrites. I believe that the Catholic Church is a big enterprise, run by religious leaders with their leader and the center of power seated at the Vatican. Other religious sectors, but not all, and does not necessarily have to be in the Christian circle are like that. But I believe in the existence of the Higher Being. Not because I am afraid to go to hell, but because I believe instinctively. For me, faith is believing in something that you cannot see, believing in something without proof. I am a proofseeker, but I believe in it anyway. I have, as a human nature, the longing and the necessity to look up to a higher being as my Creator of everything – to understand my existence. Again, it does not necessarily need to conform with what the Catholic church, or any other church for that matter teach the society to believe in.

However, I have been in this religion all my life, and I don’t have plans of changing it – it is just not that a significant thing for me to spend my energy on. I also have my own set of beliefs, and my own set of ideas of my God, which do not necessarily conform with the belief as established by the society I am in. And there are several times that my faith had been tested, but I have always retained it. But I respect the church people. I don’t force them to think the way I do, just as they cannot convince me to believe with all my heart and soul in the Church. I am not saying that Red, forces his  followers to believe in what he believes in. I just find it disturbing that a lot of people are so into his stuff. I say, when it comes to religion, it’s live and let live. You respect my ideas, and I will respect yours. If we agree to disagree, then let’s keep it that way and stop the crappy conversations to convince ourselves that we are wrong.

Red does not believe in God but he does believe in hell. He says it’s provisional and that he is willing to apologize if the would cause the damnation of the souls of many people who share his idea if the Judgement Day has come, if there is one. I am so waiting for that moment to happen. It’s like saying, ‘I am going to believe that the radio is just a sound making machine, until I see an actual radio station with an actual radio jock.’ Or we can also put into analogy his ideas like this: Red believes that he has a brain, but he has not seen his own brain yet – which clearly contradicts the radio analogy. That is exactly how I would see Red. What he says contradicts his own ideas about atheism.

Clearly, he continuously searches for his own Truth and rejects the idea of the Truth according to the society. That is all there is. Non-conformism.

He should not call himself an atheist. He is nothing but a doubter. He should instead call himself confused, hiding in a cult-like following of his supporters. I see him as a very troubled individual. A naturalist yes, or whatever he wants to call himself, but he is never an atheist. What’s clear is that, he has not lost faith. He just wants to keep it in a box, that he would soon open when the right time comes. I feel sorry for him actually. The only concern I have for him is that he might drown himself from the false fame that is surrounding him right now, and get driven by the false following of these people seeking for their right place to belong, that he would not be able to remember exactly what his crusade is all about.

Boy Abunda said that his faith was not challenged during the interview with Red Tani. That is enough for me to believe that I am right about what I wrote about that episode. I was not challenged as well. I laughed at the idea that Red presented more than I wondered.

Or maybe, just maybe, Red Tani just doesn’t relay his ideas to us in a very clear way that he is still being stereotyped by us.

Here’s the link to the episode:

http://lionheartv.blogspot.com/2012/02/atheist-red-thani-takes-spotlight-in.html

“Suppose we’ve chosen the wrong God. Every time we go to church we’re just making Him madder and madder.” – Homer Simpson

Sinulat ko ito, dalawang taon na ang nakalipas, habang kasagsagan ng Quirino Grandstand Siege. This was already published by Kuro-Kuro

– Aug. 24, 2010 –

SWAT. Hostage negotiations. Hostages. Media. The world stopped last night, to watch how insultingly funny and stupidly we ended that incident in Quirino Grandstand. Last time I checked, it was because of Manny Pacquiao’s win that made the world turn its attention to us again. Now, I can only imagine how every Filipino would walk in the streets, talking about that horrific yesterday.

I used to be proud of our Philippine SWAT. Alam ko na kapag Spec Ops, kahit anong bansa pa yan, hinding hindi ka bibiguin. Kung hindi man mission accomplished, sigurado nilang minimal ang damage, or body counts. Nakita nating lahat, at hindi ko na iisa-isahing yung naganap na KAGAGUHAN kagabi.

This is how Chinese Police deal with hostage takers. Point blank range, that lady cop stared at the hostage taker’s eyes, and BRAVELY pulled the trigger. Man, this cop has more balls than our Philippine SWAT!

Ganito naman yung inaabangan kong eksena kahapon noong lumusob sila sa bus. Kitang kita dito ang GIGN Forces ng France, handang handa, hindi takot humarap at makipagpalitan ng putukan. AT LIMA ANG TERORISTA, hindi lang IISA. Mas maraming sibilyan, pero wala ni isa ang nasawi :

Balikan natin ang mga “MATAGUMPAY” na pagpapa-pogi ng ating mga kapulisan.:

DISCLAIMER: Marami akong kakilala, at kaibigang pulis, alam ko, na ilan sa inyo ay malilinis, at malamang ang iba ay hindi pa nakaranas ng engkwentro sa buong karera ng pagkapulis. Pero, mawalang galang na, huwag nyo sanang gayahin ang mga kabaro ninyong mas trigger happy pa, at parang batang nakahawak ng Mouse at animo’y naglaro ng Counter Strike.

Hindi ko na isasama ang insidente ni Ducat, dahil halata naming staged yun ng mga senatoriables. Kelan mo naman nakita si Chavit Singson na humawak ng granada at inescort-an si Ducat safely, palabas ng bus? Bayani.Baliw!

JUNE 3, 2002 – Ang karumal-dumal na hostage drama sa Pasay.

Kung natatandaan nyo pag kung paano tayo nang-gigil nang pagsasaksakin ng hostage taker na si Talvo si Dexter Balala, 4, habang buhat-buhat sya nito. Pagkatapos noon, parang may nagsindi ng sinturon ni Hudas dun sa Pasay Rail Station – walang patumanggang pinaulanan ng bala ng pulis ang hostage taker, habang BITBIT si Dexter Balala.Ang ikinamatay ng bata – hindi sa saksak. Sa 56 gunshot wounds ni Talvo,imposibleng kahit isa sa bala ng mga pulis ay hindi tumama kay Dexter Balala.Si Balala na walang malay. Naging biktima ng kawalang kahandaan ng ating kapulisan.

November 9, 2005 – Ang exciting na Ortigas ‘Robout’

Dito natin nakita kung paano ka-ignorante sa rules of engagement, ang mga operatiba – when the situation calls for it. At sinigurado pa nilang patay ang nasa manibela, nang tutukan nila ng M-16 at birahan sa ulo ang kawawang suspek. Malas nila at nakuhanan sila ng footage ng UNTV.

Pero, may mga matatagumpay naman silang mga operasyon.Katulad nito.

November 9, 2003 – PGMA’s SWAT Halters NAIA Control Tower Takeover.

Naalala ko noon, madaling araw, naghahanda akong pumasok sa eskwela noon. May breaking news sa GMA7. Si Arnold Clavio ay kasalukuyang kinakausap ang nag-kumander sa NAIA Terminal II control tower nina dating Air Transportation Office Chief Panfilo Villaruel at Navy Lt. Richard Gatchillar.

Nang umagang yan, habang kinakausap ni Arnold Clavio si Villaruel sa telepono, ay kasalukuyang naka-execute ang plans ng SWAT na lusubin ang control tower, at i-eliminate sila. While on-air, sinabi ni Villaruel kay Arnold na “Pinuputukan kami dito, Arnold. Papatayin nila kami dito.” Habang sinasambit yan ni Villaruel ay dinig mo ang hungos ng hininga nya sa linya, at alam mong may tama, at napuruhan ng SWAT.

“Suko na kami.” Yan ang last words ni Chief Villaruel.Pagkatpos noon, isang masakit sa tengang “Aargh,” na para bang nanood ka ng action movie. Sabay naputol ang linya, wala nang kausap si Arnold kahit anong tawag nya.

Napag-alaman nating may grievances ang mga martir na sundalong ito, kaya nila pinilit na i-take over ang control tower, upang umagaw ng atensyon. Siguro ay wala sa hinagap nila na tutuluyan sila ng SWAT. Yang mga panahon na yan, ay kasalukuyang ‘aligaga’ ang PGMA Administration. Praning sa mga kudeta, kasagsagan ng Magdalo Oakwood Mutineers.

The Magdalo Rebels, Oakwood Mutiny, Marine Standoff in FortBonifacio, and the Manila Pen Siege. – Ang tatlong mabibigat na banta sa administrasyon ni PGMA, ay sya ring kasing kulay. Naging matagumpay ang AFP sa tulong na rin ng SWAT at PNP na maiwasang magdanak ng dugo. Tinear gas ang Manila Pen, pinosasan ang mga media, at lahat ay in-assume na suspects. Kahit yung kasing credible ng mga Anchors ng major news networks ng bansa, na walang bahid ng itsurang dadampot at marunong gumamit ng baril. SOP daw eh. Pero naka-takas si Faeldon, at inasar pa sila nang nagpadala ng videos nya sa harap ng kampo nila. Ironic.

Napansin ko lang, at siguro pati kayo. Kapag mga kudeta ang banta, ambibilis gumalaw ng mga pulis patola natin. Para bang may ayaw mabulgar sa mga itinatago nilang sila Trillanes at Querubin lang ang may alam, at hindi maisiwalat dahil sa mga kasong nakapatong sa ulo nila.

Ang gagaling. Executed with perfection. No casualties.

Pero alam na natin ang nangyari kagabi. At si Isko Morenoang napapakinggan ko ngayon, kausap ni Arnold Clavio, sinisisi ang kapatid ni Mendoza, na dahil sa na-agitate si Mendoza sa bus kaya sya pumatay ng hostage. Wala akong narinig sa kanya, at hindi man lang pumuna sa kakulangan ng mga pulis.

Rules of Engagement. Standard Operating Procedures. Tactical Assault. Hostage Negotiation. Ang babangong pakinggan. Ang babaho ng imahe ngkapulisan natin ngayon, dahil mistulang hindi nila pinag-aralan yan.

Nagmaso ng windshield. Binarag lahat ng bintana. Yung isang operative, inakyat ang emergency door ng bus. It took him like two minutes to struggle getting inside to take a look. Nung pinutukan sya ni Mendoza, wala pang five seconds patalon palabas na! Nahulog pa sa pintuan yung maso na gamit nila. Yung tear gas, akala mo parang hindi alam ang gagawin kung pano ibabato sa loob ng bus.

Biruan nga naming mga kabataan. Kung kami ang nasa War Room nyang hostage scene, mas magagawa naming mag strategize. Mga adik kami sa Counter Strike at DoTA. At mukhang mas maraming Hollywood movies kaming napanood tungkol sa hostage crisis and negotiations kesa sa mga operatiba kahapon.

“Tear gas at flashbang lang yan.” Pero siguro nga, mahirap talaga. Wala kami sa sitwasyon, so wala kaming karapatang magsalita. Eh bakit yung pamangkin ko at nanay kong walang alam sa CQB at Tactical Assault, alam ang gagawin?

Kung ako ang tatanungin mo. Maraming may kasalanan. Sing-dami ng mga nagtuturuan. Ang media, ang pulis, kahit mismong lipunan nating hindi maibalik-balik ang tiwala nila sa kapulisan. Bakit ‘ka mo? Mas malakas ang tawag ng kalam ng sikmura ng mga pulis natin, kesa sa kanilang tungkulin. Hindi mo masisi ang mga mabubuting tao noon, na napabaluktot ng liku-likong sistema ng Pulisya. Kulang sa pondo, sa pagsasanay, sa kagamitan, sa recruits. Sagana sa sahod, sa bonus, sa freebies – free gas, free exposure, free KOTONG!

At tatakbo ang istoryang ito, magsisisihan ang media, pulis,at isama mo na ang kapatid ni Mendoza na gusto lang isoli sa kanya ang baril.Pagkatapos ng lahat, lilipas ang mga araw, matatabunan ang isyu, may bagyo,panalo si Pacquiao. Pasko. Pag tinanong mo ulit ang masang Pinoy, ang isasagot nila sa’yo :

“Sinong Mendoza?”

Kabilang sa 10 Most Outstanding Policemen, nung kabataan nya. Patay sa hostage drama.

 

Today marks the second anniversary of the “Project Iron Lady”.It is a movement spearheaded by the City of Mandaluyong Science High School Alumni members to help our beloved Guidance Counselor, the late Ms. Fe Briones.

Amazingly, Ms. Briones’ first name, Fe, is the symbol for the chemical element Iron. And indeed, Ms. Fe showed us her iron will unparralleled. Amidst all this cruel struggle against her disease, she was able to survive it, at least, until the moment when her family is now a bit more stable than how they were a few years back, before she was diagnosed to have Stage 3 cervical cancer, only months before we were able to help.

August 6, 2010 will be an unforgettable day for the CMSHS Family.

______________________________

Written on Saturday, 2 October 2010 at 11:50

(This day was one of the most memorable moments I’ve had with her.)

Day 62 –  Me and Meric had a chance to visit her yesterday. Kinwento nya yung experience nya nung nawalan sya ng malay due to severe bleeding. It amazed me, although I was deeply worried by it, because only then and there was I convinced that those ‘near death’ experiences are true: The knocking on heaven’s door; the tunnel vision; the images of the Elysian Fields.

She told us the story, during the night when she suffered from severe internal bleeding. She was so weak, and went unconscious for approximately two hours after the bleeding. It was around 8pm. She saw herself in a ‘dream.’ She was in a journey, going towards a mountain top, and there she saw in the sky – her late husband, together with her mother.

They were waving at her, as if inviting her to join them. She said that they were speaking to her, but she could not understand what they were muttering. She knew, while she was in her dream that she is still alive, because she still was able to feel her heart beating… to hear little thumps in her weak chest.

She told me, she remembered reaching out her hand to them, but they were just too far. And then, she heard, and she got distracted by the voices of the people surrounding her while she rests on her bed. The dream stopped, and she went back to consciousness.

“Naalimpungatan ako. Na-realize ko, hindi nila ako hinayaang sumama sa kanila. Na para bang gusto nila akong mag-stay ba. Sinabi ko sa sarili ko, ‘siguro marami pang rason para ako’y mabuhay pa.”

….

Ma’am Glo Duigan sent me an FB message yesterday morning. I just got home from work. She told me to come by Ma’am Fe’s house. I asked her why. She just said “nag-communion” na si Ma’am Fe”. I didn’t quite understand wha that meant at first. I thought I was just not ready for that kind of message, and I didn’t get her hint. I texted her to explain what she said. She then called, told me that Ma’am Fe suffered a very serious bleeding the night before. And everybody who could see her that night got worried. Ma’am Fe’s son, Ian, helped her settle to her bed, while cleaning the mess that the bleeding left near it.

….

The moment that she woke up from her dream that night, she opened her eyes, and saw beside her bed were her children, Ian and Jillian, Ma’am Glo and some housemates, all praying the Rosary for her. She said that there was also a priest who visited her at home and gave her the blessing. Everybody was crying, expecting the worst that could happen. And then she fell asleep again, this time, she felt that her body is ready to rest. She woke up at 5am the next morning, and called out for Ian to fix a very hot coffee for her. She said that she was all refreshed, but she wasvery hungry when she woke up, she just wanted something hot to ingest. And during breakfast, she ate a bowl full of lugaw. Apparently her body was already searching for its fuel, after what happened that night.

….

Me and Meric went together to visit Ma’am Fe. It was raining. We could not settle ourselves to stay calm while we were in the cab. We did not know what to expect once we arrive there, since Ma’am Glo gave us the idea of what had happened last night. We reached Ma’am Fe’s street, got off the cab a block away and walked to her house. Jillian welcomed us in. We were surprised when we saw Ma’am Fe, seating on her bed, with a plate of rice and fried fish, and she was eating well, as if nothing happened the night before.

She finished her meal, and that was when she told us what she just experienced. I did not know what to think, and how to react to her words. I was in amazement.  But I managed to say words to encourage Ma’am Fe to keep her spirits high, to keep on fighting, and I know that she will. After a few more talks, of reminiscing our high school years, we bid goodbye to Ma’am Fe. Meric and I were thankful that morning, for what we just saw.

Indeed, Ma’am Fe is a living proof, that miracles do happen.

Wish Ko Lang Part 1

Wish Ko Lang Part 2

A Letter to Wish Ko Lang Para Kay Ma’am Briones Page

_________________________

This was  an open letter which I made after the episode was shown on GMA7:

“Ma’am Fe: after a few hours that i’ve stayed offline for FB, sa pagbabalik ko, nakita ko ang dami ng taong nagmamalasakit sa’yo.. Aaminin ko, tumutulo ang luha ko habang sinusulat ko ito, magtatampo ang nanay ko, pero talagang hindi matawaran ang DAMI ng tao na nagmamalasakit. Alam nila kung gaano ka kabuting tao. Sa sama-sama naming pagtulong at panalangin, sana makita namin ang mabilis mong pagbalik sa pagtuturo, gaya ng sinabi mo sa Wish Ko Lang.

Gusto kong ipatahid sa iyo kung gaano nabago ng Page na ito ang pananaw ko sa buhay, sa kakaunting oras ng isang linggong pag-aasikaso kasama ang GMA7 at ang CMSHS family, nalaman ko, na ang lahat ng tinatamasa ko ngayon at iba sa aming mga kasamahan, ay lubos lubos na kaligayahan, at pagpapasalamat sa bawat minuto ng aming buhay.

Dahil sa iyo, nalaman namin kung gaano kahalaga ang buhay, at kung paano ito dapat isa-alang alang at ibahagi salahat ng taong nagmamahal natin- HINDI PARA PANSARILI NATING mga hangarin.

Sana po, gumaling kayo agad, para makita nyo ang dami ng nananalangin, at nagdarasal para gumaling kayo, at makitang nasa Guidance Office kayo, na masigla, at walang bakas ng pasakit.

Maraming Salamat po sa ipinagkaloob ninyo, sa aming lahat, sa CMSHS at… sa lahat nang naniniwala kapag may Pananalig, hinding hindi ka mawawalan ng pag-asa.

Pangako ko ito sa inyo, ipagpapatuloy ko ang naumpisahan namin, kahit saan man kami abutin. Sama-sama tayong haharap sa pagsubok mo, hanggang sa malampasan natin ito.”

_________________________

Unfortunately, Ms. Fe succumbed to her disease on November 26, 2010.

 

***Looking back at the Page right now, for some reason the members got reduced from 1,572+ to only 15+. I think it was when Facebook did some drastic and major changes on its pages and format, that some members got kicked out. Oh well.
Operation Fe – Day 101   Wednesday, 10 November 2010

 

We are at the 101st day of our crusade.

Gusto kong ipa-abot ang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nananatili, at yung patuloy na sumasama at nakiki-isa sa hangarin ng page na ito.

101 days ago. Wala sa hinagap namin na lalaki ang Page na ito with 1,572 members. “suntok sa buwan itong gagawin

ko,” sabi ko nung una. Hindi ako umasa na madidinig ang dalangin ng iilan pa lamang na miyembro noon. Isang linggong makalipas, matapos malikha ang Page, lumobo sa kulang-kulang sa 500 ang agad nagpakita ng suporta.

Lahat ng nakaka-alam noon, ay nagbibigay ng PMs sa amin, at sa iba pang katulong namin sa pagpapakalat ng mensahe. Lahat, nagbigay ng mungkahi, ng suporta, ng panalangin, na sana ay madinig ang mismong Wish – ang matulungan si Ma’am Fe na gumaling sa kanyang sakit.

Hanggang sa dumating na nga ang pinaka-aasam-asam na araw. Isang Biyernes, ikaw-6 ng Agosto, 2010 – naganap ang himalang hatid ng Wish Ko Lang.

Suntok sa buwan lang noon, isang panalanging nasagot na ngayon. Tinuruan tayo ng Page na ito na huwag matakot

gawin ang nararapat, para sa ikabubuti ng kapwa.

*****

Sa mga nagdaang araw, hindi ko masyadong nasubaybayan ang kalagayan ni Ma’am Fe. Aminado ako, na hindi sa lahat ng oras ay mapag-lalaanan ko ng panahon si Ma’am. Tulad ng karamihan, marami rin akong gawain sa araw-araw. Pero kahit ganoon man, hinding hindi ko nakakalimutang isama sya sa aking panalangin.

ero kahit ganoon, naniniwala ako, at nagtitiwala na nabibigyang pansin sya ng mga tao sa kanyang tahanan – ng kanyang mga anak, at mga kamag-anak, at kahit kapit-bahay na nagmamalasakit. Kung anu’t ano man, isang tawag lang sa amin, at sa CMSHS (City of Mandaluyong Science High School) at Arellano University Family, agad agad kaming tatakbo.

101 araw na ang lumipas simula ng nalikha ang Group Page na ito. Paminsan-minsan, at hanggang yumaon, patuloy ang

mga nagbibigay ng mensahe sa wall, para kay Ma’am Fe. Sa 101 araw na pagbisita ko sa Wall tuwing online ako sa

Facebook, nagpapasalamat ako dahil hindi ko nakita kahit isang beses na nabawasan ng members ang Group.

Paunti-unti pa rin syang nadaragdagan. Paunti-unti, pero patuloy na dumarami ang naghahatid ng lakas ng loob para

manumbalik ang dating Ma’am Fe, ang nami-miss na ng lahat. At sana, sa lalong madaling panahon na sya gumaling.

Sana ay ipagpatuloy natin ang panalangin sa Diyos na maka-ahon at magwagi si Ma’am Fe sa kanyang sakit. Higit

sa lahat ng tulong na maihahatid natin, maliban sa pisikal at medikal nyang pangangailangan, ang panalangin, lakas

ng loob at suporta na nanggagaling sa atin ang pinaka-kailangan ni Ma’am Fe. Tandaan natin ang sinabi niya sa Wish Ko Lang episode:

“Mahal ko kayong lahat na estudyante ko… Dahil sa inyo.. kayo ‘yung nagpapahaba ng buhay ko. Lumalakas yung determinasyon kong mabuhay…”

****** 

Noong ika-5 ng Nobyembre, ay ipinagdiwang ko ang aking kaarawan. Nagpasalamat ako sa Diyos sa taong lumipas, at

kung pano nito binago ang pananaw ko sa buhay.

Dahil sa Wish Ko Lang, marami ang nag-abot sa akin ng pagbati, pinuri ako sa lahat ng nai-ambag ko para maisakatuparan ang Wish nating lahat. Pinapasalamatan ko  kayo. Taos-puso. Nakakataba ng puso at nakakasigla ng

damdamin ang malaman na maraming tao ang nabigyan ng  pag-asa. at ipahatid sa’yo ang pasasalamat dahil sa

nagawa mo.

Natuwa ako ng sobra para sa sarili, oo. Pero aaminin ko, hindi ko dapat maramdaman iyon. Dahil alam nating lahat

ang kalagayan ng mahal nating guro. Hindi dapat, at hindi wasto na ipagmalaki ko ang kung anumang naganap noon,

dahil ang lahat ng ito ay para kay Ma’am Fe. Nakita nating lahat ang pinagdadaanan nya. At dahil sa nasaksihan nating paghihirap nya, ay kaya natin nagawang ilapit sa makakatulong ang kanyang sitwasyon. Hindi nakakatuwang  isipin na kung kailan umabot na sa ganoong sitwasyon, ay saka pa lang natin naisakatuparan ang magbigay tulong sa kanya

– na sana ay mas maaga nating naipahatid.

At hindi lang para kay Ma’am Fe. Sana sa lahat ng pagkakataon na mayroon tayo upang makatulong, gawin natin ang kayang gawin.

At para sa kaalaman ng lahat. Marami po kaming nasa likod ng Page na ito. Sa kanila dapat naka-tuon ang pasasalamat na natanggap ko sa inyong lahat.

 

Ibinabalik ko ang pasasalamat, sa inyong lahat. Sa 1,572 na indibidwal na nasa Page na ito. At sa lahat ng hindi

man pumindot ng “join” at “Like” buttons, pero patuloy ang panalangin sa paggaling ni Ma’am Fe;

Kay Ms. Cath Moralejo, na pumayag na ako ang gumawa at magpasimula sa Page na ito;

Kay Ma’am Glo Duigan, sa patuloy nag pagbabantay kay Ma’am Fe, at hindi nakakalimot na ipaalam sa amin ang

kasalukuyang lagay nya;

Sa mga kasalukuyang guro at mag-aaral ng City of Mandaluyong Science High School; Sa Supreme Student Government, sa pamumuno ni Hamdy Abdou, at sa pagpapayo ni Ms. Jeyz Jaqueca;

Sa mga dating nakasama sa trabaho ni Ma’am Fe, sa mga dating mag-aaral nya sa Arellano University;

Sa Alumni ng CMSHS – simula sa Batch 2000, sa pangunguna ni Ms. Amadea Unisa, hanggang sa huling

Batch ng graduates ng CMSHS;

At sa GMA7 News and Public Affairs, Sa Wish Ko Lang, at sa masugid na pagtatrabaho ni Paul Garcia, at Segment

Producer, Ms. Rachel Arias;

“Hindi maisasakatuparan ang lahat ng ito, at mananatili lamang syang suntok sa buwan kung wala kayong lahat.”

May God bless us all. Let’s spread the word!