LIHAM PARA SA PANGULO

Posted: November 21, 2017 in Rhymes

Written January 4, 2010 at 12:44am

Summon all the Gloc-9 spirit in you and read this with fast paced tempo. This was a lousy effort to emulate his style. Whoever wants to rap this, go ahead and give me a message. Collaborations are welcome. 🙂

Note: This was written almost 8 years ago during the PGMA Administration. Hence the Tatlong Bangkang Papel reference.

Mahal na Pangulo:

Ako’y lumiham upang syo’y ipaalam

Na ang aking ina ay muntik nang mamaalam

Nang makain nya ang botchang binili nya sa tindahan

Nang di kayang sikmurain at tunawin ng bitukang

Hindi sanay na tumunaw nang busog at sa pagkaing umaapaw

Ang kanin sa bandehadong may bungi ang pinagsasaluhan

Ang isang araw na pagkain ay hanggang kinabukasan

‘Di man lang makumpleto ang almusal hanggang hapunan

 

Ang ospital na pinagdalan kailangan daw na bayaran

Muna upang ang aking ina’y kanilang magamot at malunasan

Ngunit paano maiaabot, ang pambili ng kanyang gamot

Gayong sa araw araw ang kinikita ay laging kapos?

Aking nababasa sa dyaryo ang mga mungkahing batas ninyo

Nna ang sinabi tutugon sa mga kahirapan ko

At ng mga katulad kong hind man lang magawang makangiti

Sa liham na ito ang tulong ay aking hinihiling.

 

Ilang araw nang lumipas, ang liham ko’y wala pa ring sagot

Mabuti pa ang bangkang papel na sa ilog ay ‘pinaanod

Ng tatlong batang kapit bahay ko noon sa katabi na barong barong

Ang mga buhay na nila ngayon ay pawang naiahon

Ngunit tatatlo lamang sila na ang mga buhay ay maginhawa

Samantalang ang libo libo pa ay inyo pong pinapaasa

Ngayo’y natutuksong agawin dun sa mama ang pitaka

Upang makabili ng gamot sa aking nanay na kaawa-awa

 

O ‘di kaya’y magnanakaw at ibebenta ang tanso

Galing sa kawad ng kuryenteng naka-‘jumper’ doon sa kanto

Ang kuryenteng aming nililimos sa kumpanyang walang alam

Kung di ang taasan lamang ang singil sa sa mga sikmurang kumakalam

Ako’y nagsusumamo, o mahal kong Pangulo

Sagutin mo lamang ang liham upang ang luha ko’y di na tumulo

Kung di ay mapipilitan na namang sa kapwa ko ay manlamang

‘Yan lang ang syang solusyon ko sa problemang walang hangganan.

 

Naubos na’ng aking pasensya, ako’y hindi na lang aasa

Sa patalim na ay kakapit, walang pakialam sa disgrasya

Ang tugon di ko man lang mabalitaang dumating

Sanlibong liham na ang aming ipinahatid sa yong dingding

Na pagkataas taas, walang masang makaabot

Sa tulay mo sa Mendiolang di matawid dahil makipot

Dahil sa mga sundalong nagbabantay doon sa dulo

Pagkaikli-ikling tulay, dilig ng pawis at luha at dugo

 

Sabihin mo nga sa akin, sakaling tayo ay magkita

Nakakatulog ka pa ba sa gabi gabing nagpagpapasasa

Sa nakaw mong yaman na nanggaling saming butas at mababaw na bulsa

Sa salamin pag tinitigan tao pa ba ang ‘yong nakikita?

‘Pano mo nagagawang parang walang bitbit na problema

Ang bayan mong di maka-ahon ay pinagsamantalahan pa?

Mata’y pinipiringan, bibig namin ay may busal kaya’t

Ang kakapalan ng mukha’y laging aming pinagdarasal

Na sana’y makonsensya at ang samo nami’y pakinggan

Ngunit kahit anong subok namin ay di ka matablan

 

Ngayon ako ay nagtatago, sa batas ay lumalayo.

Nakagawa ng isang krimeng kahirapang ang syang nagsugo

Sapagka’t libo libong liham namin ng aming hinanaing

Laging kibit balikat, hindi man lang lilingunin

Isang bala na lang ang sa paltik ko’y natitira

Gatilyo’y hihigitin, at ang dugo ko ang pipirma…

 

…isang liham na di tapos,

(nawa’y ang ating bayan ay makalaya na sa gapos)

 

 

– titik ni Jericho Carrillo

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s