Sutsot ng Laman

Posted: April 6, 2013 in Rhymes

First published on Sunday, 16 August 2009

(one of the most intriguing stuff I have ever made… lol)

 

Hindi mapakali kapag hindi nadarama
Ang tamis at init tuwing kapiling ka
Nawawala sa sarili, mundo’y isinasantabi
Maangkin lamang ang susi ng langit.

Bawat hinga ay may himig, bawat bulong ay hiyaw,
Milya-milyang abot ng kamay sa paggalaw.
Mga mata’y nanlilisik, umaalab
Hanggang sa madama na ang liyab.

Subalit bakit nagtataka?
Nananabik sa iyong halik, pagkatapos ay wala na.
Nilalamon ang sarili,
Sinisindihan ang damdamin, hanggang sa maglaho na.

Bumabaon sa ala-ala
Nababaliw kapag naiisip ka
Ang tikman, sa iba’y kasalanan,
Walang magagwa, di na mapipigilan pa

Lahat ay kalilimutan, konsyensya’t kaluluwa –
Ipagpapalit, makuha lamang ang ligaya.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s