Haranang Karoling

Posted: April 6, 2013 in Rhymes

First published on Thursday, 15 October 2009, but the words were written a year ago before it got published.

I was hoping someone would collaborate with me on this one. But up until now, it still remains as a rhyme. Can someone put music on these words already!? 😀

(As inspired by PNE and Kamikazee)

i- nilalamig at mga daliri ko ay namimitig,

disyembre na ngunit sa larawan mo pa rin nakatitig

marami nang nagkarol, sa aso ay nagpahabol

kaunti man ang aking barya, ayos lang kasi

chorus:

kahit wala nang lobo, kahit walang regalo

kapag nariyan ka’y araw araw ang pasko

kahit na wala si santa, mga ninong ko’y nagtago na

saki’y laging pasko kapag kapiling ka

ii – kumpleto ang simbang gabi, basta’t ikaw ang katabi

aakyatin ang pinakamatayog na krismas tree

at wag lamang hihilingin na abutin pa ang bituin

kahit kay narda ay aking dadalhin sayo kasi
chorus:

kahit wala nang lobo, kahit walang regalo

kapag nariyan ka’y araw araw ang pasko

kahit na wala si santa, mga ninong ko’y nagtago na

saki’y laging pasko kapag kapiling ka
outro:

bitbit aking gitara, kasama na ang banda

pangarap ko sa paskong ito’y matugtog ang aking kanta

at sana’y marinig, ang musika’t ang tinig,

ang bawat araw ay pasko sayong pag -ibig.
end:

ngayong noche buena, sana ay kasalo ka

habang nagniningning mga parol sayong bintana

ikaw ay aayain, sa balkonahe ay dinggin

ang harana kong ito’y pang krismas karol din…Ü

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s