Di Pinamagatan

Posted: April 6, 2013 in Rhymes

First published on Thursday, 8 October 2009 at 14:57

marami na ang nadaanan
marami pang pupuntahan
tanong mo sa iyong sarili
sa’n ba ang iyong patunguhan

hinatid ka ng hinagpis
at kabaliwan sa malabis
na kalungkutang di na mapigil
sa mundo mo ay nanggigigil

paano ba mababawi
sayong labi ang dating ngiti
sa mundong ‘tong puros pasakit
luha’y di na mawawaglit.

nilisan ka na ng pag-ibig
sa sarili ay nakatitig
kelan pa ba. san ba’ng punta?
tanaw mo ma’y malabo rin

pinili na lang na tumahimik
sa ingay ng bulong ng langit
sayong mundong puno ng galit
paghihirap sa mata’y batid.

paano ba mababawi
sa yong labi ang dating ngiti
sa yong mundong puros pasakit
luha’y di na mawawaglit.

kelan pa ba
san ang punta
at sana ay matapos na

luhang di na nawawaglit…

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s