Kandila

Posted: February 28, 2013 in Confessions, Cryptics

***This was written exactly three years ago – March 1, 2010. And tonight, you are going to see a string of posts – as what John Mayer said in his song – “of old love,  or lack thereof.”

______________________

Hindi ko matandaan kung gaano na katagal. Pero maraming taon na ang nakalipas. Parehong pareho ang nangyari. Parehong pareho din ang aking naramdaman. Nakakatuwa, pero ang dami nang nangyari sa pagitan ng buhay ko at buhay nya. Pero sa bawat pagkakataon na nagkikita kami, nawawala yung kung anumang haba ng panahon na namagitan. Lahat parang kahapon lang.

Ang kaso, kung anong daming bagay na dapat mong pasalamatan, at napagtagpo kayong muli, yun din ang dami ng mga bagay na nangyari sa dalawang taong hinangad nilang sana ay hindi na lang naganap.

Sanay na ko sa kanya. Ako ang takbuhan nya pag kelangan ng kausap sa problema. Yung problemang dinala nya ilang taon na ang nakalipas. ‘yun din ang nagdala sa kanya papunta sa akin ngayon. Aaminin ko, natutuwa akong nakikita ko ulit sya. Nakakausap. Nakakabiruan. Nakakalimutan ko ang mundo ko sa kasalukuyan. Walang pakialam. Kuntento na ko sa sandaling ‘yon. Sana tumigil na ang oras. Sana. Pero alam mong lilipas din lahat.

Para akong nakatitig sa may sinding kandila. Natutuwa sa alab na nasa mitsa, sa gitna ng kandilang unti-unting tumutulo hanggang sa tuluyang matunaw. Masarap tingnan. Pero pag naupos na ang mitsa. Wala na ang alab. Tunaw na ang kandila. Balik sa kadiliman.

Pero sa bawat pagsasalamat, hindi mo magawang matuwa nang lubusan. Dahil ang dahilan kung bakit sya nasa piling mo ngayon, ay dahil sa lubos nyang kalungkutan. Kalungkutang hindi naman ikaw ang papawi, kungdi yung tao rin na nagdulot sa kanya nito. Gagawin kang bugahan ng sama ng loob, lulunurin ang balikat mo ng luha. Gagawing kanlungan ang braso at bisig mo sa panahon na binabagyo ang puso nya.

Pagkapawi ng kalungkutang iyon, matapos dumaan ang bagyo, ay sya ring paglisan nya. Para ka ulit kandila sa brown out na biglang hinipan pagdating ng kuryente. Itatago. hahanapin lamang pagdating ng kadiliman na.

 

Sa lahat ng iyan. Kahit anong lungkot ang maramdaman mo sa paglisan nya, sya pa rin ‘yung isang bagay na magpapasaya sa’yo. Wala nang hihilingin pa. Pero hindi mo makuha-kuha. Pero pilit kang umaasa. Na baling araw, kasama mo sya hindi dahil ikaw ang takbuhan nya sa problema. Kungdi kasama mo sya, dahil ikaw na ang sagot sa matagal nang problema nya, kung papaanong sya’ng naging sagot sa matagal mo nang kalungkutan.

 

Pero hangga’t hindi dumadating ang panahon na yan, mananatili syang isang kandilang may sindi. Pagmamatyagang mabuti hangga’t hindi pa ubos ang mitsa. At babalik ka na naman sa kadiliman.

 

Pero ayos lang. Ang malaman kong ako pa rin ang takbuhan nya sa parehong problema. Alam kong hindi nya ako ipinagwalang bahala. Sana lang, sa bawat sandal sa balikat. Sa bawat hawak at yapos sa bisig. Sa bawat patak ng luha. Sana maisip nya, kahit hindi sya mag-asam. ‘yung taong takbuhan nya, handang maging sagot sa kanyang problema.

 

(isa… dalawa… TATLO)

 

Ikaw to eh. Ako yung kandila.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s