Wag Mong Basahin. Sabing ‘Wag eh.

Posted: October 24, 2012 in Definitely Filipino / Kuro-Kuro Submissions

on Wednesday, 22 June 2011 at 01:47

(Surprisingly, this actually got a lot of likes from the Definitely Filipino page. )

 

Kung saan man patungo ang maisusulat kong ito ay hindi ko alam. Pero gusto lang gumalaw ng mga daliri ko at tumipa nang tumipa nang tumipa. Madalas sa hindi, may paksa. Yung mga tinitipa kong walang paksa ay napupunta sa Facebook wall. Maghihintay ng interesadong magbigay ng comment.

 

Pero hindi ko trip mag sulat sa pader ngayon. Masyadong mahaba ito para isulat. Masarap talaga ang pakiramdam ng mag-type ka sa malambot na keyboard, at sukat na sukat ang dalawang kamay mo sa mga letrang titipahin para makabuo ng mga salita. At nakaka-dalawang talata na ako ngayon.

 

Ano nga ba ang isusulat? Magko-compose ulet ako? Wala naman akong subject sa utak. Kaya nga pinapalipad ko na lang itong mga daliri ko sa keyboard. Hindi ko rin trip gumawa ng mga rhymes. Masyado na daw cheesy sa kalagayan ko ngayon.

 

(Sa parteng ito ay iniisip mo na sa sarili mo kung bakit mo binuksan ang link at binasa ang mga unang talata, dahil wala ka namang napala. Isipin mo na lang na hindi mo sinunod ang nakalagay sa title at naging curious ka lang. Pwede mo nang pindutin ang ‘back’ button dahil sigurado akong hindi ka na magkakainteres na basahin pa yung mga susunod.)

 

Huwag nang itanong kung anong kalagayan man yan. Isang buwan na akong mahigit na nasa state of procrastination. Masarap na hindi. Madalas maraming pagkakataon na gusto mo lang paliparin ang daliri sa keyboard. Tumitig sa facebook na parang ginagawa mo sa TV – papalit-palit ng channels, papalit-palit ng views. Minsan may favorite page, parang sa channel, na sa paglaon ay pagkakasawaan mo pa rin. Meron din namang hinding hindi mo pagsasawaan. At kung anong page man ‘yon ay ako na ang nakaka-alam. Wag madumi ang isip, please! Duh! hehe.

 

Facebook.

Dota.

TV.

Gitara.

Magsulat.

Magbasa.

Manood ng movie.

Kumain.

Matulog.

Mangarap.

 

Dyan lang sa mga salitang ‘yan umiikot ang mundo ko ngayon. Dahil nandito lang ako sa bahay. Tamad akong gumala dahil wala akong kasama. Gusto ko man kaladkarin ang mga paa kong ito, tatamarin agad ako paglabas dahil puros malls lang ang pinaka-malapit mong mapuntahan. Wala kang mahatak na mag-adventure. Pumunta sa Intramuros at sariwain ang kasaysayan. Pumunta sa mga museums na libre, pero hindi low class. Hindi ako ang tipo ng tao na tititig sa paintings na parang may alam. Gusto kong makita yung mga artifacts. Anything pertaining to the history of any significant thing.

 

Gusto ko magtrabaho. Pero tinatamad akong maghanap. Alam ko naman na anytime may mapapasukan ako. Sa ngayon, nagpapakasawa muna sa pakiramdam na walang ginagawa sa buhay. Walang inaalala. Walang patumangga ang pagtambay sa bahay dahil may natitirang pangtustos sa susunod na dalawang buwan. Pagkatapos noon ay iju-jumpstart ko na naman ang sarili sa Ā pagtatrabaho. Kung saan ay hindi ko alam. Pero alam ko kung saan ako qualified. Pagod lang akong magtrabaho sa BPO, at gusto ko na ang susunod kong papasukan ay ang huli na – yun na ang bubuhay sa akin sa susunod na significant number of years. Hindi ako hopper at lalo nang hindi ko iniisahan ang mga call center companies na pinag-aapply-an ko na kukuha lang ng signing bonus o kaya unang sahod sa training tapos sibat na. Kung tutuusin kasi, madali ang trabaho sa industriyang ‘yan, ‘yon na ang utang na loob mo sa mataas na sahod. NAKAKASUYA nga lang talaga. Talaga lang pihikan ako sa trabaho. Pero parang sinulat ko lang ‘yan para ma-justify ko ang sarili na hindi ako tamad.

 

Pwede ka namang magtamad-tamaran sa buhay. Basta alamin mo lang na wala kang masisirang buhay kung hindi ka pumasok sa trabaho. Wala kang anak na bibilan ng gatas. Walang kuryenteng mapuputol. Walang may sakit na bibilan ng gamot. Walang syotang maghahanap ng regalo at presensya at oras mo. At higit sa lahat, gawin ito ng MINSAN lang. (Credits to my mom, kasi hindi nya hinihingi ang buong sahod ko.)

 

Subukan mo, basta’t siguraduhin mo lang na walang mawawala. Pag-abot mo sa mahigit isang buwan, magkakaroon ka ng enlightenment na ikaw lang ang makaka-intindi. Sa dinami-dami ba naman ng panahon mo sa isang buwang walang ginagawa ay imposibleng wala kang maubong magandang idea sa utak. Katulad nitong ginagawa ko. Magpalipad ng mga daliri sa keyboard. Tipa lang nang tipa. Maraming kantang nabuo nang dahil lang sa ganito. Kung hindi ka marunong maglapat ng musika, at least gumawa ka ng letra. Kung hindi mo alam kung paano magsulat, umpisahan mo sa pagtipa. Gamitin mo kung ano ang mayroon ka. Wag mo lang uubusin at siguraduhin mong may magagamit ka sa mga susunod na araw. Lalo na kapag sawa ka nang tamarin. Gumawa ka ng isang bagay na galing sa wala.

(Sa punto namang ito ay parang inspirational na ang mga letra ko. Kakatapos ko lang manood ng Commencement Address ni Conan O’Brien. At siguro inisip mo, kung umabot ka sa puntong ito ng pagbabasa, ay masasabi mo kahit papano na may saysay naman pala. Sana. Salamat.)

 

Ayan. May pumasok na naman sa utak ko na magandang gawin. Piliin mo sa mga salita sa taas kung ano dyan. Saka ko na to ipagpapatuloy.

http://www.youtube.com/watch?v=ELC_e2QBQMk

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s