Jericho’s Walls – My Take on Quirino Grandstand Siege, and all the SWATsh!t

Posted: August 24, 2012 in Definitely Filipino / Kuro-Kuro Submissions
Tags:

Sinulat ko ito, dalawang taon na ang nakalipas, habang kasagsagan ng Quirino Grandstand Siege. This was already published by Kuro-Kuro

– Aug. 24, 2010 –

SWAT. Hostage negotiations. Hostages. Media. The world stopped last night, to watch how insultingly funny and stupidly we ended that incident in Quirino Grandstand. Last time I checked, it was because of Manny Pacquiao’s win that made the world turn its attention to us again. Now, I can only imagine how every Filipino would walk in the streets, talking about that horrific yesterday.

I used to be proud of our Philippine SWAT. Alam ko na kapag Spec Ops, kahit anong bansa pa yan, hinding hindi ka bibiguin. Kung hindi man mission accomplished, sigurado nilang minimal ang damage, or body counts. Nakita nating lahat, at hindi ko na iisa-isahing yung naganap na KAGAGUHAN kagabi.

This is how Chinese Police deal with hostage takers. Point blank range, that lady cop stared at the hostage taker’s eyes, and BRAVELY pulled the trigger. Man, this cop has more balls than our Philippine SWAT!

Ganito naman yung inaabangan kong eksena kahapon noong lumusob sila sa bus. Kitang kita dito ang GIGN Forces ng France, handang handa, hindi takot humarap at makipagpalitan ng putukan. AT LIMA ANG TERORISTA, hindi lang IISA. Mas maraming sibilyan, pero wala ni isa ang nasawi :

Balikan natin ang mga “MATAGUMPAY” na pagpapa-pogi ng ating mga kapulisan.:

DISCLAIMER: Marami akong kakilala, at kaibigang pulis, alam ko, na ilan sa inyo ay malilinis, at malamang ang iba ay hindi pa nakaranas ng engkwentro sa buong karera ng pagkapulis. Pero, mawalang galang na, huwag nyo sanang gayahin ang mga kabaro ninyong mas trigger happy pa, at parang batang nakahawak ng Mouse at animo’y naglaro ng Counter Strike.

Hindi ko na isasama ang insidente ni Ducat, dahil halata naming staged yun ng mga senatoriables. Kelan mo naman nakita si Chavit Singson na humawak ng granada at inescort-an si Ducat safely, palabas ng bus? Bayani.Baliw!

JUNE 3, 2002 – Ang karumal-dumal na hostage drama sa Pasay.

Kung natatandaan nyo pag kung paano tayo nang-gigil nang pagsasaksakin ng hostage taker na si Talvo si Dexter Balala, 4, habang buhat-buhat sya nito. Pagkatapos noon, parang may nagsindi ng sinturon ni Hudas dun sa Pasay Rail Station – walang patumanggang pinaulanan ng bala ng pulis ang hostage taker, habang BITBIT si Dexter Balala.Ang ikinamatay ng bata – hindi sa saksak. Sa 56 gunshot wounds ni Talvo,imposibleng kahit isa sa bala ng mga pulis ay hindi tumama kay Dexter Balala.Si Balala na walang malay. Naging biktima ng kawalang kahandaan ng ating kapulisan.

November 9, 2005 – Ang exciting na Ortigas ‘Robout’

Dito natin nakita kung paano ka-ignorante sa rules of engagement, ang mga operatiba – when the situation calls for it. At sinigurado pa nilang patay ang nasa manibela, nang tutukan nila ng M-16 at birahan sa ulo ang kawawang suspek. Malas nila at nakuhanan sila ng footage ng UNTV.

Pero, may mga matatagumpay naman silang mga operasyon.Katulad nito.

November 9, 2003 – PGMA’s SWAT Halters NAIA Control Tower Takeover.

Naalala ko noon, madaling araw, naghahanda akong pumasok sa eskwela noon. May breaking news sa GMA7. Si Arnold Clavio ay kasalukuyang kinakausap ang nag-kumander sa NAIA Terminal II control tower nina dating Air Transportation Office Chief Panfilo Villaruel at Navy Lt. Richard Gatchillar.

Nang umagang yan, habang kinakausap ni Arnold Clavio si Villaruel sa telepono, ay kasalukuyang naka-execute ang plans ng SWAT na lusubin ang control tower, at i-eliminate sila. While on-air, sinabi ni Villaruel kay Arnold na “Pinuputukan kami dito, Arnold. Papatayin nila kami dito.” Habang sinasambit yan ni Villaruel ay dinig mo ang hungos ng hininga nya sa linya, at alam mong may tama, at napuruhan ng SWAT.

“Suko na kami.” Yan ang last words ni Chief Villaruel.Pagkatpos noon, isang masakit sa tengang “Aargh,” na para bang nanood ka ng action movie. Sabay naputol ang linya, wala nang kausap si Arnold kahit anong tawag nya.

Napag-alaman nating may grievances ang mga martir na sundalong ito, kaya nila pinilit na i-take over ang control tower, upang umagaw ng atensyon. Siguro ay wala sa hinagap nila na tutuluyan sila ng SWAT. Yang mga panahon na yan, ay kasalukuyang ‘aligaga’ ang PGMA Administration. Praning sa mga kudeta, kasagsagan ng Magdalo Oakwood Mutineers.

The Magdalo Rebels, Oakwood Mutiny, Marine Standoff in FortBonifacio, and the Manila Pen Siege. – Ang tatlong mabibigat na banta sa administrasyon ni PGMA, ay sya ring kasing kulay. Naging matagumpay ang AFP sa tulong na rin ng SWAT at PNP na maiwasang magdanak ng dugo. Tinear gas ang Manila Pen, pinosasan ang mga media, at lahat ay in-assume na suspects. Kahit yung kasing credible ng mga Anchors ng major news networks ng bansa, na walang bahid ng itsurang dadampot at marunong gumamit ng baril. SOP daw eh. Pero naka-takas si Faeldon, at inasar pa sila nang nagpadala ng videos nya sa harap ng kampo nila. Ironic.

Napansin ko lang, at siguro pati kayo. Kapag mga kudeta ang banta, ambibilis gumalaw ng mga pulis patola natin. Para bang may ayaw mabulgar sa mga itinatago nilang sila Trillanes at Querubin lang ang may alam, at hindi maisiwalat dahil sa mga kasong nakapatong sa ulo nila.

Ang gagaling. Executed with perfection. No casualties.

Pero alam na natin ang nangyari kagabi. At si Isko Morenoang napapakinggan ko ngayon, kausap ni Arnold Clavio, sinisisi ang kapatid ni Mendoza, na dahil sa na-agitate si Mendoza sa bus kaya sya pumatay ng hostage. Wala akong narinig sa kanya, at hindi man lang pumuna sa kakulangan ng mga pulis.

Rules of Engagement. Standard Operating Procedures. Tactical Assault. Hostage Negotiation. Ang babangong pakinggan. Ang babaho ng imahe ngkapulisan natin ngayon, dahil mistulang hindi nila pinag-aralan yan.

Nagmaso ng windshield. Binarag lahat ng bintana. Yung isang operative, inakyat ang emergency door ng bus. It took him like two minutes to struggle getting inside to take a look. Nung pinutukan sya ni Mendoza, wala pang five seconds patalon palabas na! Nahulog pa sa pintuan yung maso na gamit nila. Yung tear gas, akala mo parang hindi alam ang gagawin kung pano ibabato sa loob ng bus.

Biruan nga naming mga kabataan. Kung kami ang nasa War Room nyang hostage scene, mas magagawa naming mag strategize. Mga adik kami sa Counter Strike at DoTA. At mukhang mas maraming Hollywood movies kaming napanood tungkol sa hostage crisis and negotiations kesa sa mga operatiba kahapon.

“Tear gas at flashbang lang yan.” Pero siguro nga, mahirap talaga. Wala kami sa sitwasyon, so wala kaming karapatang magsalita. Eh bakit yung pamangkin ko at nanay kong walang alam sa CQB at Tactical Assault, alam ang gagawin?

Kung ako ang tatanungin mo. Maraming may kasalanan. Sing-dami ng mga nagtuturuan. Ang media, ang pulis, kahit mismong lipunan nating hindi maibalik-balik ang tiwala nila sa kapulisan. Bakit ‘ka mo? Mas malakas ang tawag ng kalam ng sikmura ng mga pulis natin, kesa sa kanilang tungkulin. Hindi mo masisi ang mga mabubuting tao noon, na napabaluktot ng liku-likong sistema ng Pulisya. Kulang sa pondo, sa pagsasanay, sa kagamitan, sa recruits. Sagana sa sahod, sa bonus, sa freebies – free gas, free exposure, free KOTONG!

At tatakbo ang istoryang ito, magsisisihan ang media, pulis,at isama mo na ang kapatid ni Mendoza na gusto lang isoli sa kanya ang baril.Pagkatapos ng lahat, lilipas ang mga araw, matatabunan ang isyu, may bagyo,panalo si Pacquiao. Pasko. Pag tinanong mo ulit ang masang Pinoy, ang isasagot nila sa’yo :

“Sinong Mendoza?”

Kabilang sa 10 Most Outstanding Policemen, nung kabataan nya. Patay sa hostage drama.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s