Dalawang Payaso

Posted: July 20, 2012 in Rhymes

          (A free verse I made when I was in my second year college. Inspired by the entries I read from Plumang Pako, from a close friend who came from from Paco Catholic School.

          I am very scared of clowns that when one gets close to me, I tend to walk away from or if I’ve got no choice, I will punch the freak out. The only clown that I consider as cool is The Joker.

          But this one’s got a different theme. Read to find out. If you get it, then I can say for sure that you can relate to it, one way or the other, and/or might have happened at some point in your past. May serve a warning, too, for those who try to impress everyone and forget to give his very self that bliss he truly deserves.)

_____________________________

(Una)

Nakangiti, nakatawa, puno ng galak at ligaya;

Nanggugulo, nangungulit, nagpapatawa;

Puno ng aliw at ngiti ang mukha nyang may gayak;

Natatakpan ng pulbos at palamuti sa mata, bibig, sa ulo at sa tainga

Ang kalunos-lunos at mumunting buhay nya.

___

Walang kapagurang pilit pinapahanga ang madla.

Kung anu-ano ang pinaggagagawa:

Nagpalabas sa entablado, palakpak ang musika –

Kawili-wili, kasiya-siya, pampalimot ng

Problemang tinatalikdang panandalian ng mga taong

Ibig masaksihan and payasong inaabangan

___

Matapos ang palabas, ang mga tao’y nagsilisan.

Ang kanilang payaso, sa entablado’y iniwan

Nagbulungan, nagtawanan, nagpalitan ng galak.

Laman ng bawat bibig ay walang puknat na

Halakhak, hagikgik; panandaliang kasiyahang

Lahat halos ay walang pagsidlan…

Ang payaso’y di man lang nila pinasalamatan!

___________________________________________________________________________________

 

(Pangalawa)

Ang tao sa likod ng balat-kayong payaso,

Matapos ang palabas ay magbabalik-anyo.

Nasiyahan, natuwa sa mga taong tumangkilik (daw!) sa kanya

Kalungkuta’y muling sasapitin sa paghubad ng maskara.

Muling babalik sa mundong ‘di dapat sa kanya.

Hindi na maikukubli ang hinagpis, lungkot at problema.

___

Ibig mang lumisan sa buhay na kalunos-lunos

Wala namng mapuntahan ang payasong sa ligaya, pagmamahal, katahimikan ay kapos.

Ang buhay nya ang kanyang sariling entablado –

Ikukubli, itatago, isasantabi ang sakit at pagsusumamo

Na makalaya sa walang lagusang teatro.

___

Kinukumbinsing pilit ang sarili na tumawa, habang

Ang ginagmpanang sa teatro ay papel ng pagdurusa:

Ang mga linyang sinasambit, mistulang pabigat sa kanya;

Mga papremyo’y ipinupukol, pabuya’y idinudura;

Mga kamatis na bulok, sa mukha nya’y tumatama.

Nagmistulang maskarang nababagay sa dula.

___

Tatakas, lalayo, madkukubli, magtatago

Sa hinagpis ng buhay at sa kalungkutang tumatark

Sa dibdib na ang baluti ay dusa at paghihirap

Sa bawat hakbang papalayo, sa bawat iwas at ilag

Ay siya ring tinik, pasa, latay sa pagkatao ang katumbas

___

Hihikbi, iiyak, luluha na lang at tatangisan

Ang buhay nyang unti-unti at patuloy nilang winawasak.

____________________________________________________________________________

Magpapatuloy na lang ba ang payasong ito?

Gusto mang umahon, walang magawa kahit ano.

Magpupumiglas, pipiliting makawala

Sa kadilimang ang payaso rin pala ang siyang may gawa.

Walang ibang hinihiling kundi ang makalaya.

___

__

_

.

Habambuhay na tatakasan?

Lalabanan?

Tatanggapin na lang ba?

 

Ang payaso’s biglang napaisip – palabas ay tapusin na.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s