Jose: Paying homage to my personal hero on his birthday

Posted: June 18, 2012 in Random

June 19th, 2011. Nagkukuwentuhan kami ni Mama, at ng pamangkin ko sa bahay.

Nabanggit ko kay Mama na dapat ay sa gradeschool tinuturo ang Rizal Subject, para mas concentrated ang nag-aaral kesa sa ilagay sya sa college curriculum, at maraming mang-aagaw ng atensyon ng estudyante.

Tinanong ko yung pamangkin ko, na kasalukuyang nag-aadjust sa freshman year nya sa high school.  “Anong alam mo kay Rizal?” Umiling lang sya.

Tinanong naman sya ni Mama, “Ilan silang lahat na magkakapatid?”

Tinanong ko ulit, “Alam mo yung kwento tungkol sa gamu-gamo at ang ilaw? eh yung tsinelas nya sa bangka?”

Umiling na naman si pamangkin.Nagulat ako nang wala syang sinagot kahit isa man lang sa tanong namin ni Mama tungkol kay Rizal.Kinwento ko tuloy sa kanya na noong bata ako, ang unang librong natapos kong basahin from cover to cover ay ayung pambatang libro about Jose Rizal (pagkatapos noon, wala na akong natapos na libro hanggang tumanda ako, haha!).

Pagkatapos noon ay kinwento sa kanya ni Mama isa isa ang stories about our National Hero – kung ilan silang lahat na magkakapatid, at kung paano nya nakuha ang apelyidong Rizal. Inisa-isa din ni Mama ang kwento ng gamu-gamo at yung pares ng tsinelas na pinati-anod nya sa ilog.

Pagkatapos ay biniro ko ulit si pamangkin, “Eh kamusta yung ending ng Gumiho?” 

Realization: Hindi ako makapaniwala, at ayokong maniwala na hindi ganoon kakilala ng pamangkin ko si Rizal.  Totoo sa akin na ginusto kong alamin ang buhay nya, above all the other heroes that we have, simula pa noong bata. Dahil siguro unang na-expose sa akin yung libro, grade 1 pa lang ako noon, binasa ko sya noong nasa Bicol ako. Pwede rin nga na isolated ang kaso ko. Pero oo, nalaman ko halos lahat sa kanya noong nasa kolehiyo na ako, at ginusto ko noon na sana mas maaga ko pang napag-aralan ang buhay nya.

Sa bilis ng panahon ngayon, at sa naglipanang mga bagay na mag-aaliw sa mga kabataan, tulad nitong computer at internet; ang dota; ang Facebook; ang Farmville at kung anu-ano pang cyber-entertainment, mahirap maagaw ang atensyon ng kabataan para pag-aralan ang sarili nyang kultura at ugat ng lahi nito. At ang mas nakakatakot pang isipin, ay ang paglamon sa sarili nating kultura, hindi na nga ng mga Kano at mga nasa kanluran, pero kahit ang mga kapit-bahay natin sa Asya ay nakaka-apekto sa pagmamahal ng ating kabataan sa sarili nilang bayan at kultura.

Segue : Here’s my tour in Intramuros. Who said your day’s ruined just because it didn’t go the way you planned it? (and yeah, enjoy the collaboration of the song.)  🙂

Mas maganda sana kung mai-expose natin ang kabataan sa buhay at mga aral ni Rizal sa batang edad pa lamang. Sana ay araw araw syang naituturo bilang isang hiwalay na subject sa grade schools at high schools natin ngayon.

Matalino sya, at sana lang ay nahiya lang syang sumagot sa mga tanong namin ni Mama. Sana lang, yung mga kabataan, ang henerasyon ng mga pamangkin ko, at magiging anak ko ay mapag-tuunan pa ng panahon at atensyon para mapag-aralan at hangga’t maari ay gawing modelo ang buhay ni Pepe.

Suwerte pa rin akong nakaranas sa kabataan ko, na kahit papaano ay nakalingon ako sa kasaysayan, at hindi agad nabubulag ng ibang kultura. At least, sa edad kong ‘to, kahit binuhay ako ng call center sa nakaraang tatlong taon, hindi mo masasabi sa akin na wala na akong paki-alam sa sarili kong kultura, at may maisasagot ako sa mga matatanda, at sa mga batang gustong matuto tungkol sa Bayan. Kay Pepe.

Sana ganoon din sila kasuwerte ngayon.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s